Oil companies magpapatupad ng oil price rollback bukas
Makaraan ang tatlong sunod na linggo na oil price hike, magpapatupad naman bukas ng kakarampot na rollback ang mga kumpanya ng langis.
Sa kanilang magkakahiwalay na advisories, pare-parehong magbababa ng P0.40 kada litro sa halaga ng gasolina at P0.30 bawat litro sa diesel ang ilang oil companies.
Kabilang dito ang Petron, Seaoil, Jetti, Shell, Phoenix Petroleum, PTT atr Eastern Petroleum.
Epektibo simula alas-sais ng umaga bukas ang nasabing price rollback ayon sa kanilang ipinarating na impormasyon sa Department of Energy.
Wala namang inilabas na anunsyon ang mga kumpanya ng langis hingil sa halaga ng kerosene o gaas.
Magugunitang mahigit sa dalawang piso ang itinaas sa presyo ng gasolina at diesel kaugnay sa magkakasunod na oil price hike sa nakalipas na tatlong linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.