Duterte pinagpapaliwanag ni Sereno kung totoong walang kinalaman sa kaniyang impeachment

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz April 09, 2018 - 12:55 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Hinamon ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno si Pangulong Rodrigo Duterte na sagutin ang mga alegasyong siya ang nasa likod ng impeachment sa punong mahistrado.

Sa kaniyang pagsasalita sa programa ng “Movement Against Tyranny,” sinabi ni Sereno na kung totoong walang kinalaman sa kaniyang impeachment si Duterte ay bakit nagrereport sa kaniya si Solicitor General Jose Calida.

Ani Sereno, partikular na iniulat ni Calida kay Sereno ang kaugnay sa paghahain ng quo warranto petition.

Dagdag pa ni Sereno, tiyak na malaking ang gastos o ipinopondo para sa kaniyang impeachment.

Maari aniya umabot ng daan-daang milyon o hanggang bilyon ang gastos mapaalis lang siya sa pwesto.

Binatikos din ni Sereno ang kongreso na minadali umano ang pagsusulong ng impeacment case laban sa kaniya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: jose calida, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, jose calida, Maria Lourdes Sereno, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.