Ayon kay Sta. Romana, mayroon nang binuong special panel na tututok sa isyu ng South China Sea.
Binubuo aniya ang special panel ng mga diplomat at mga academic experts.
Sa panel aniya ng China, kasama ang head ng Center for South China Sea Studies at dating Chinese Vice Foreign Minister.
Sa hanay naman aniya ng Pilipinas, makakasama naman si dating Energy Secretary Rafael Lotilla.
Hindi naman tinukoy ni Sta. Romana kung matatalakay din sa bilateral meeting bukas nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu sa South China Sea.
Ayon kay Sta. Romana, sasamantalahin ng pangulo ang Boao forum na isulong ang economic priority, inclusive growth, pagtugon sa kahirapan at itaguyod ang regional integration at hikayatin ang mga dayuhang mamumuhanan na maglagak ng negosyo sa bansa.
Bibigyang-diin din ng pangulo ang peace and stability sa rehiyon, paggamit ng diplomasya para resolbahin ang territorial claims at maritime disputes.
Samantala sinabi ni Sta. Romana na sesentro naman ang Boao forum sa kung paano mapapanatili ang growth trajectory ng Asya na ngayon ay major source ng global economic growth at maisulong ang protectionism.