Kilusang Mayo Uno, kinalampag ang Camp Crame para hilinging palayain ang mga political prisoner ng pamahalaan
Kinalampag ng grupo ng mga Manggagawa ang Gate 2 ng Camp Crame sa Quezon City.
Pasado alas-10:00 ng umaga nang sumugod sa tanggapan ng Philippine National Police ang mga myembro ng Kilusang Mayo Uno bitbit ang mga plakard na may nakasulat na “free all political prisoners”.
Giit ni Elmer Labog, chairperson ng KMU, napapanahon na para bigyan ng kalayaan ang nasa 480 political prisoners ng pamahalaan.
Partikular nilang hiling ang paglaya ni Marklem Maojo Maga, labor organizer ng KMU at Samahan ng Tsuper at Manggagawa o PISTON at si Rafael Baylosis na consultant naman ng National Democratic Front of the Philippines.
Aniya, tinataniman lang ng pekeng ebidensya ang mga aktibista kaya nagkakaroon ng dahilan para sila ay maaresto.
Paliwanag pa ni Labog, ang pagpapalaya kina Maga af Baylosis ay alinsunod sa Comprehensive Agreements on Human Rights and International Humanitarian Law at Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.
Kasama pa sa kanilang panawagan, na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan at tanggalin na ang tawag na terorista sa 600 katao na sinasabing kritiko ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.