78 anyos na lolo natagpuang patay sa Albay; pinaniniwalaang nagpatiwakal

By Rohanisa Abbas April 09, 2018 - 11:26 AM

Nadiskubreng walang buhay ang isang lolo malapit sa kanyang tirahan sa Bacacay, Albay.

Nakilala ang namatay na 78 taong gulang na si Amando Bidol ng Barangay Napao.

Ipinagbigay-alam ni Kapitan Michael Bellen sa pulisya ang duguang bangkay ni Bidol.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, ikinamatay ng lolo ang laslas sa leeg.

Pinaniniwalaang nagpakamatay si Bidol.

Ayon sa kanyang pamilya, dumanas ng depression ang lolo matapos matuklasang bumibigay na ang kanyang kidney.

Sinabi ng pamilya ni Bidol na nagbanta siya na magpakamatay dahil ayaw na niyang maging pabigat.

Nakita ng kanyang apo na may dala-dala siyang bolo palabas ng bahay bago siya matagpuang patay.

Patuloy naman ang imbestgigasyon ng mga otoridad.

Hindi nila isinasantabi ang posibilidad ng foul play.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ba

TAGS: Albay, Bacacay Albay, Depression, suicide incident, Albay, Bacacay Albay, Depression, suicide incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.