Mga motoristang lumabag sa bagong traffic scheme sa Commonwealth at Elliptical Rd., hinuli na ng MMDA

By Jong Manlapaz April 09, 2018 - 10:56 AM

Nagsimula ng manghuli ang MMDA sa mga pasaway na jeepney drivers at UV Express na nagbaba at nagsasakay pa rin ng pasahero sa Maharlika St. at sa Elliptical Road.

Sinabi ni Bong Nebrija, pinuno ng Task force, kahit bukas pa, araw ng Martes ang full implementation ng bagong traffic scheme, kailangan nang sanayin ngayon ang mga motorista sa mangyayaring adjustment.

Dahil dito, ang mga jeep na nagbaba sa gitna ng plastic barrier na dahilan para maglakad sa gitna ng kalsada ang mga pasahero ay hinuli na.

Ipinatupad ng MMDA ang one-way traffic sa Masaya St. mula Maharlika patungong Commonwealth.

Binuksan din ang Mayaman St. kung saan pinapakaliwa ang mga sasakyan na patungong City Hall at Kalayaan Avenue.

Bahagi ito ng traffic scheme ng MMDA para maibsan ang traffic na dulot ng konstruksyon ng MRT-7.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Elliptical Road, mmda, MRT7 construction, Elliptical Road, mmda, MRT7 construction

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.