3 sugatan sa pagsabog ng pillbox sa Cotabato City

By Rohanisa Abbas April 09, 2018 - 10:47 AM

Sumabog ang isang “pillbox” sa isang karinderya sa Barangay Rosary Heights 2 sa Cotabato City.

Sugatan ang tatlo katao sa insidente kagabi.

Ayon sa biktimang si Minda Himaya, nahulog ang pillbox mula sa flyover sa tapat ng kanyang karinderya.

Sinabi ng mga saksi ni itinapon ng suspek na nakasakay sa motosiklo ang pillbox.

Ayon sa mga otiridad, laman ng pillbox ang pulbura at mga pako na ginamit bilang shrapnel.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpapasabog.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Cotabato City, pillbox, Radyo Inquirer, Cotabato City, pillbox, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.