Aabot sa mahigit 40 katao ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa 3 magkakahiwalay na insidente nitong nakalipas na Linggo.
Ayon kay Captain Armand Balilo, Spokesperson ng PCG, kabuaang 43 katao mula sa mga lumubog na bangka sa Palawan, Camarines Norte at Samar ang naligtas ng ng provincial unit ng Coast Guard kahapon at nitong Sabado.
14 sa mga nailigtas ay mula sa lumubog na bangka sa El Nido kung saan isang bangka ang pinataob ng malakas na alon.
Habang nitong Sabado naman, 19 na pasahero mula sa motorbanca Jordan 2 sa Calaguas Island, Vinzon ang nasagip sa Search and Rescue operations sa isla.
Aabot naman 10 pasahero na papuntang Catbalogan City ang nabigyan ng saklolo ng Coast Guard Station Western Samar makaraang lumabog din ang kalahating bahagi ng bangka dahil sa malakas na alon.
Agad na isinailalim sa medical examination ang lahat ng mga nasagip na pasahero.