Promosyon ng “Back to Reading Campaign” sa QC, idadaan sa flash mob
Idadaan sa sabayang sayawan sa Quezon City ang kanilang proyektong “Back to Reading Campaign”.
Sa abiso ng Quezon City Public Library – Children’s Section lahat ng miyembro ng kanilang “Lib and Rary Children’s Book Club” ay lalahok sa flash mob.
Ito ay para mai-promote ang kanilang Back to Reading Campaign kung saan hinihikayat ang mga kabataan na ugaliin ang pagbabasa ng libro.
Isasagawa ang flash mob sa April 10 sa QCPL Lobby, sa April 11 sa Quezon City Hall Lobby at sa April 12 sa Quezon Memorial Circle.
Lahat din ng miyembro ay inaanyayahang dumalo sa orientation para sa kanilang Summer Art Workshop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.