North Korea, kinumpirma sa US ang kahandaan ni Kim Jong Un na talakayin ang denuclearization kay Trump

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 09, 2018 - 10:26 AM

Tiniyak ng mga opisyal mula North Korea sa kanilang counterpart sa US na handa si North Korean leader Kim Jong Un na talakayan ang denuclearization ay US President Donald Trump.

Kinumpirma ng isang opisyal sa White House ang nasabing impormasyon matapos ang pulong sa pagitan ng mga matataas na opisyal ng North Korea at ng US.

Ito ang unang direktang kumpirmasyon mula sa North Korea dahil ang naunang impormasyon hinggil sa pulong nina Kim at Trump ay mula sa 3rd party country na South Korea.

Ang nasabing pulong ay magaganap sa Mayo pero patuloy pang inaayos ang mga detalye tungkol dito maging ang lugar na pagdarausan ng pulong.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: denuclearization, donald trump, Kim Jong un, denuclearization, donald trump, Kim Jong un

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.