Alegasyong nakapatay ng mga sibilyan si PO2 Lalan, walang sapat na ebidensiya

downloadWalang direktang ebidensya na magsasabing nakapatay ng sibilyan si PO2 Christopher Lalan sa kasagsagan ng engkwentro sa Mamasapano noong Enero.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima hindi pwedeng magsulong ng kaso laban sa tauhan ng Special Action Force na si PO2 Lalan.

Si Lalan ay nakaligtas sa nasabing engkwentro na labing-isang oras na nagtago para hindi siya mahanap noon ng mga nakasagupang armadong kalalakihan.

Sinabi ni de Lima na bigo ang mga nagsagawa ng imbestigasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at ng National Prosecution Service (NPS) na magakapag-establish ng “corpus delicti” na nakagawa nga ng krimen si Lalan. “Walang nakapag submit… even the families para patunayan na may pinatay si Lalan. Kahit sino walang maituro,” dagdag pa ni de Lima.

Samantala, sinabi rin ni de Lima na walang partisipasyon ang Estados Unidos sa nasabing engwentro.

Ayon kay de Lima, ang papel ng US troops ay limitado sa intelligence sharing at medical assistance sa mga sundalong Pilipino.
Kinumpirma ni de Lima na may ginamit na drone sa operasyon ngunit ito ay unmanned.

Binigyang diin ng kalihim na walang naging partisipasyon ang sinumang tropang Amerikano sa Mamasapano operation.

Read more...