Nagkasundo ang apat na cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na munang magkomento tungkol sa ulat na i-aabolish na ang National Food Authority (NFA) council.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, lilinawin na muna nila sa pangulo mismo kung ano ang posisyon nito ukol sa NFA.
“Nagkasundo po kaming apat na Gabinete na huwag munang magsalita and we will allow the President to clarify for himself kung ano talaga ang posisyon diyan sa NFA. So I will not comment anymore on that. We will wait for clarifications from the President,” ayon kay Roque.
Una rito, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol noong Biyernes ng umaga na i-aabolish na ang NFA council na pinabulaanan naman ni Roque Biyernes ng hapon.
Sa mga naunang pahayag naman ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco na ang NFA ang kanilang ipabubuwag at hindi ang NFA council.
Nagkairingan na rin sina Evasco at NFA Administrator Jason Aquino dahil sa isyu ng pag aangkat ng bigas.
Ayon kay Evasco, ang hanay ni Aquino ang dapat na sisihin dahil sila lamang ang gumagawa ng pekeng NFA rice shortage sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.