17 katao nawawala matapos tangayin ng malakas na alon ang sinasakyan nilang barko sa Batangas
Nagpadala na ng air asset ang Philippine Coast Guard para saklolohan ang Landing Craft Tanker “AIVA 5” na tinangay ng malalaking alon sa bahagi ng Fortune Island sa Batangas.
Ayon kay PCG Spokesperson Capt. Armand Balilo, lulan ng naturang tanker ang 17 katao.
Ang 17 ay pawang crew ng tanker at pawang mga Pinoy.
Base sa inisyal na impormasyon, umalis kahapon sa Cunanan wharf ang tanker sa Nasugbu, Batangas at habang papalapit na sa kanilang destinasyon ay bigla na lamang silang nakatanggap ng distressed call mula sa mga tripulante nito.
Samantala, sa hiwalay na insidente naman, umusad na rin ang Quick Response Team ng PCG para magsagawa ng search and rescue operations sa Brgy. Buenavista, Hikdop Island sa Surigao City.
Ito’y matapos makatanggap ng tawag mula Mayor’s Office ang PCG na may motor pump boat na namatayan ng makina habang naglalayag at nangangailangan agarang tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.