7 hanggang 12 tren ng MRT, agad napabiyahe ngayong umaga

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 09, 2018 - 07:55 AM

Pito hanggang siyam tren ng Metro Rail Transit – 3 ang napabiyahe sa pagbubukas ng operasyon nito ngayong umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, alas 5 ng umaga, 8 tren na ang operational, pito dito ang agad nai-deploy o napabiyahe.

Pagsapit naman ng alas 5:30 ng umaga sinabi ng MRT-3 na siyam na sa kanilang mga tren ang running o bumibiyahe.

Dahil dito nasa 8 hanggang 9 minutes lamang ang pagitan ng pagdating ng mga tren sa mga istasyon.

Alas 7:00 naman ng umaga nang muling magdagdag ng mga tren at umabot na sa 12 ang bumibiyahe at nadagdagan pa ng isa pang tren pagsapit ng alas 8:00 ng umaga.

Wala namang inaasahang pila ng mga pasahero ngayong araw sa mga istasyon ng tren dahil ngayon ay holiday.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, Metro Rail Transit, MRT, Radyo Inquirer, dotr, Metro Rail Transit, MRT, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.