400 mga pulis, naka-deploy na sa Boracay para sa rehabilitasyon

Naipadala na sa Boracay ang nasa isang batalyong pulis na mangangalaga sa seguridad ng isla oras na isara na ito sa mga turista sa April 26.

Ayon kay Chief Inspector Joem Malong, spokesperson ng PNP Region 6, nasa 400 mga pulis na ang naka-deploy para sa gagawing rehabilitasyon ng Boracay.

Ikakalat aniya ang mga pulis sa mga istasyon sa isla at magbabantay din sa mga posibleng kilos protesta na ikakasa ng mga tutol sa pagsasara nito.

Samantala, sa panig naman ng militar sinabi ni Philippine Army Spokesman Louie Villanueva na wala silang nakikitang seryosong banta sa segurirad ng isla.

Gayunman, tiniyak ng opsiyal na nakahanda ang kanilang pwersa at handang tumugon oras na mangailangan ng tulong ang PNP.

 

 

 

 

 

 

Read more...