10 arestado kabilang ang isang pulis sa buy-bust operation sa QC

Arestado ang sampung katao sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa Payatas, Quezon City.

Kabilang sa nadakip sa nasabing operasyon ang isang aktibong pulis.

Nakilala ang suspek na pulis na si PO1 Christopher Bagasala Guevarra batay sa PNP ID na nakuha sa kaniya.

Nang siya ay sermunan ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, ikinatwiran ni Guevarra na problema sa pamilya ang dahilan kaya napasangkot siya sa ilegal na droga.

Nakuha mula kay Guevarra ang ilang sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at kaniyang cellphone.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...