CJ on leave Maria Lourdes Sereno pararangalan ng isang grupo ngayong Araw ng Kagitingan

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 09, 2018 - 06:23 AM

Kabilang si Supreme Court Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno sa mga pararangan ngayong araw ng grupong Movement Against Tyranny.

Ang pagbibigay parangal ay bahagi ng aktibidad ng grupo sa paggunita ng ika-76 na Araw ng Kagitingan ngayong araw.

Ayon sa grupo, pararangalan nila ang mga grupo at indibidwal na pawang nagpakita ng katapangan sa kani-kanilang larangan.

Maliban kay Sereno, pararangalan din si Joanna Cariño ng Rise Up for Life and for Rights, at ang Mamamahayag ng Katotohanan.

Gaganapin ang pagpaparangal sa Quezon City Sports Club.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Araw ng Kagitingan, Maria Lourdes Sereno, movement against tyranny, Radyo Inquirer, Araw ng Kagitingan, Maria Lourdes Sereno, movement against tyranny, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.