Bangkay ng isang babae natagpuan sa Quirino

By Justinne Punsalang April 08, 2018 - 10:25 PM

Palaisipan pa sa mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang babaeng natagpuang patay sa tabing kalsada malapit sa bangin sa Villa Ventura, bayan ng Aglipay, Quirino province.

Martes pa nang hapon nang matagpuan ang bangkay nito, kung saan nakabalot ng packaging tape ang kanyang ulo at nakagapos ang kamay at paa gamit ang packaging tape.

Sa pagtatantya ng mga otoridad, nasa mid-50s ang babae, 5’2″ ang tangkad, at mayroong blonde na buhok. Nakasuot ito ng puting blouse, maong na pantalon, at puting sneakers at relo.

Ayon kay Aglipay Municipal Police chief, Senior Inspector Reynold Gonzales, posibleng namatay sa suffocation ang babae dahil wala naman itong palatandaan ng sugat o anumang injury.

Dagdag pa ni Gonzales, hindi pa matanggal ng crime laboratory agents ang nakabalot na packaging tape sa ulo ng babae dahil kailangan na naroon ang kamag-anak nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa krimen. Hinala ng mga otoridad, hindi sa Aglipay naganap ang krimen at doon lamang itinapon ang bangkay ng biktima.

TAGS: Aglipay, bangkay, quirino, Aglipay, bangkay, quirino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.