MMDA magpapatupad ng bagong rerouting scheme para sa construction ng MRT-7
Epektibo bukas, araw ng Lunes, April 9, ay magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng bagong traffic rerouting scheme para sa konstruksyon ng MRT-7.
Sa abiso ng MMDA, ipapatupad ang one-way traffic sa Maharlika Street, mula Elliptical Road hanggang Masaya Street, at Masaya Street, mula Maginhawa Street hanggang Commonwealth Avenue.
Lahat naman ng mga public utility vehicles (PUV), kabilang ang mga jeepney at van na manggagaling sa Elliptical Road papuntang Commonwealth ay inabisuhang dumaan sa Maharlika Street, kaliwa sa Masaya, patungo sa destinasyon.
Ayon kay MMDA acting General Manager Jojo Garcia, naglagay na ang MMDA ng mga plastic barrier sa kahabaan ng mga maaapektuhang daan bilang gabay sa mga driver at pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.