Resulta ng DNA test ni Grace Poe, posibleng hindi umabot bago ang COC filing
Patuloy pa ang proseso ng DNA test ni Senator Grace Poe at maaring hindi umano ito makahabol bago ang kaniyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa pagtakbo sa pagka-pangulo.
Ayon kay Poe mayroon pang ilang katao na kinukunsidera ding makuhanan ng DNA para sa pagkukumpara. “We have not completed the process yet because there are several persons, who are being considered for testing,” ayon kay Poe.
Una nang kinumpirma ng kampo ni Poe na ito ay sumailalim sa DNA test kasama ang ilang posibleng kaniyang kaanak para matukoy ang nationality ng kaniyang totoong magulang.
Layon din nitong matuldukan na ang mga isyung siya ay hindi isang natural-born Filipino citizen na subject ng reklamong isinampa ni Atty. Rizalito David.
Sa October 12 na magsisimula ang filing ng certificate of candidacy o apat na araw mula ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.