Saab Magalona muntik na ring magpaalam sa kanyang baby boy

By Justinne Punsalang April 08, 2018 - 08:00 PM

Saab Magalona Instagram

Ibinahagi ni Saab Magalona na matapos niyang mamaalam sa kanyang baby girl na si Luna Isabel ay muntik na rin niyang hindi makasama ang kakambal nitong si Pancho.

Sa Instagram post ni Saab ay ikinwento nito na sinabihan siya ng mga doktor na bisitahin ang anak na si Pancho sa Neonatal Intensive Care Unit noong gabi ng kanyang panganganak. Ayon umano sa mga doktor ay
posibleng ito na ang huling pagkikita ng mag-ina dahil sa kritikal na kundisyon ng bata.

Laking pasasalamat sa Panginoon ni Saab at ng kanyang asawa na si Jim Bacarro dahil nabigyan pa ng ikalawang pagkakataon si Pancho para mabuhay.

Samantala, tatlong araw na ang nakakaraan nang ilabas na si Pancho ng ospital. Nagpasalamat si Saab sa lahat ng mga hospital staff na tumulong upang maging maayos ang kundisyon ng kanyang anak.

Sa hiwalay na Instagram post ni Saab ngayong araw ay sinabi nito na two months old na ngayong araw si baby Pancho.

TAGS: Baby Pancho, Saab Magalona, Baby Pancho, Saab Magalona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.