3 patay, 20 sugatan matapos sagasaan ng isang driver sa Germany
Patay ang dalawang customer, habang sugatan ang 20 iba pa matapos sagasaan ng isang driver ang isang restaurant sa Muenster, Germany.
Kinilala lamang ang driver na si Jens R., na ayon sa mga otoridad ay nagbaril sa sarili matapos ang insidente.
Bagaman kasalukuyan pang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa insidente ay sinabi ng State Interior Minister na si Herbert Reul na isang Aleman ang driver.
Ayon pa kay Reul, walang indikasyon na konektado sa ISIS o iba pang Islamist movement si Jens R.
Batay sa mga ulat ay mayroon umanong history ng mental health problems ang driver.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.