Ibinunyag ni ACTS OFW partylist Representative Aniceto Bertiz III na 11% ng kabuuang 52,000 na Pilipino na tinamaan ng sakit na HIV-AIDS ay pawang mga migrant workers.
Ayon kay Bertiz, base ito sa datos ng Department of Health National HIV-AIDS registry noong Pebrero 2018.
Nangangahulugan ito na sa naturang bilang, 5,000 Pilipinong may HIV-AIDS ay pawang mga overseas Filipino workers o OFW.
Sinabi pa ni Bertiz na sa mahigit 50,000 na may HIV-AIDS ay 4,700 dito ay mga lalaking OFW.
Kasabay nito, hinimok ni Bertiz ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng awareness at prevention program para sa mga OFW.
Madali aniyang mahawa ang mga OFW sa naturang sakit dahil sa na-expose ang mga ito sa foreign culture at nasasangkot sa casual sex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.