Panunumbalik ng peace talks sa loob ng 60 araw, sisikapin ng gobyerno
Pipilitin at Sisikapin ni Government Chief Negotiator Silvestre Bello III na abutin ang itinakdang time frame ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resume ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa loob ng 60 araw.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bello na sa ngayon, sa ngayon wala namang malaking hadlang sa pag-uusap ng magkabilang kampo.
Apela ni Bello sa NDFP, huwag nang patagalin ang pag-uusap at nabubuwisit na ang taong bayan.
Sa ngayon, wala naman aniyang bagong hinihinilang ang makakaliwang grupo sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.