North American hockey community, nagdalamhati sa mga biktima ng bus crash sa Canada

Nagdadalamhati ang North American hockey community sa pagkamatay ng 15 kasapi ng Humboldt Broncos junior hockey team makaraang mabangga ang sinasakyang bus sa isang tractor-trailer truck sa Saskatchewan, Canada.

Ayon sa Canadian police, papunta na sana ang naturang bus lulan ang mga manlalaro, coaches at team personnel ng naturang koponan para sa playoff game sa Nipawan.

Samantala, 14 naman ang nasugatan sa aksidente kung saan kritikal ang lagay ng ilan sa mga ito.

Kabilang sa mga nasawi ang head coach na si Darcy Haugan, team captain Logan Schatz at 16 taong gulang na si Adam Herold, pinakabata sa mga manlalaro.

Naiyak namang ibinalita ni Toronto Mape Leafs coach Mike Babcock ang aksidente sa mga pamilya ng mga biktima.

Read more...