Lalaki patay sa sunog sa Tondo Maynila

By Ricky Brozas April 08, 2018 - 01:51 PM

Kuha ni Juan Bautista

Patay ang isang alyas “kulot” nang silaban nito ang sarili nilang bahay sa Tondo, Maynila.

Batay sa salaysay ng mga kapitbahay ng biktima, uminom muna ng asido si alyas kulot at sabay na sinilaban ang kanilang bahay sa Gagalangin, Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Senior Insp. Reden Alumno, hepe ng Arson division ng Bureau of Fire Protection-Manila, ilang araw ding napansin ng kanyang mga kapitbahay ang lalaking biktima na tila wala sa sarili at may malaking problemang iniinda.

Wala namang ibang nasaktan sa sunog na tumagal nang 15 minuto at itinaas lamang sa unang alarma.

Unang sumiklab ang sunog pasado alas 9:55 umaga ng Linggo at naapula alas 10:14 ng umaga.

TAGS: alyas “kulot”, sunog, Tondo, alyas “kulot”, sunog, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.