Nagbabala si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Director Oscar Albayalde sa mga scalawag o mga pasaway pulis na magpakatino na kung gusto pang manatili sa puwesto.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Albayalde na ppaigtingin niya ang pagdidisiplina sa mga pulis para maalis ang mga bulok na kagawad ng PNP.
Katunayan, sinabi ni Albayalde na sinimulan na niya ito sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Tiniyak pa ni Albayalde na paiigtingin pa niya ang pagsasagawa ng counter intelligence para maaresto ang mga abusadong pulis.
Sa ngayon aniya sa NCRPO lamang mula 2016, 279 ang na-dismiss, 829 ang nasuspinde, 99 ang na-demote, at 365 ang naitapon sa Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES