Isang lalaki, na-hit-and-run sa Maynila

Credit: Google

Malubha ang lagay ng isang lalaki matapos ma-hit-and-run habang tumatawid sa bahagi ng Lawton Avenue sa Maynila, Linggo ng madaling-araw.

Ayon sa saksi na si Jefrey Esmiro, habang nakasakay sa UV express, napansin niyang patawid ang biktimang si Ferdinand Gerardo bandang 12:30 ng madaling-araw.

Bigla aniyang dumaan ang mabilis na puting SUV na may plakang WHV 798.

Ayon pa kay Esmiro, tumagal ng halos isang oras bago dumating ang emergency response unit para madala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima.

Sa ngayon, patuloy naman nagpapagaling ang biktima sa ospital.

Inalarma na rin ng pulisya ang naturang SUV.

Read more...