Ebola free week, naitala mahigit isang taon matapos manalasa ang nasabing sakit

Ebola Inq fileSa kauna-unahang pagkakataon mula noong March 2014, nakapagtala ang World Health Organization (WHO) ng Ebola free week.

Ayon sa WHO, noong nakaraang linggo, Sept. 28 hanggang October 4 walang naitalang bagong kaso ng nakamamatay na sakit. “No confirmed cases of Ebola virus disease were reported in the week to 4 October,” ayon sa WHO.

Simula nang manalasa ang sakit noong December 2013, umabot na sa 11,312 ang nasawi sa mahigit 28,000 na tinamaan nito.

Halos lahat ng biktima ay mula sa Guinea, Liberia at Sierra Leone.

Nitong nagdaang buwan ng Setyembre, naideklara nang free sa Ebola transmission ang Sierra Leone.

Sa kabila nito, sinabi ng WHO, na hindi pa rin dapat pakakampante. Sa Sierra Leone kasi mayroong dalawang high-risk individuals na nagkaroon ng close contacts sa isa sa mga pasyente.

Ang nasabing dalawang katao ay patuloy na hinahanap para agad silang maisailalim sa quarantine.

Read more...