Posibleng matapos ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit 3 (MRT 3) sa kalagitnaan ng 2020.
Batay sa isinagawang inspeksyon ng Japan International Cooperation Agency (Jica), sinabi ng mga eksperto na hindi bababa sa 26 buwan bago tuluyang maisaayos ang operasyon ng train system ng MRT 3.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hindi lang mga tren ang aayusin sa MRT.
Pagtutuunan din anila ng pansin sa isasagawang rehabilitation work ang power supply, signaling system, security cameras, public address system, elevators, escalators at iba pang pasilidad ng MRT 3.
Nitong Biyernes, nagkasundo ang DOTr at mga opisyal ng Jica para sa pag-aapruba ng loan na pipirmahan ng Japanese government sa Mayo.
Sa ngayon, aabot na 16 na tren ang maayos na tumatakbo sa MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.