DepEd kumpyansang mapapababa pa ang teacher-student ratio
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na lalo pang mapapababa ang teacher-student ratio sa mga pampublikong paaralan matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-hire sa 75,242 na mga bagong public school teachers.
Mula sa nasabing bilang, 40,642 ang para sa kindergarten at elementary, 34,244 para sa junior high school, at 356 naman ang para sa senior high school.
Bagaman lahat ng mga kailangang guro ay idi-distribute sa buong bansa, ay partikular na kailangan ang malaking bahagdan nito sa sa CALABARZON, Central Luzon, at Central Visayas.
Sa isang pahayag, sinabi ni DepEd Undersecretary for Planning and field Operations Jesus Mateo na sa ngayon ang teacher-student ratio sa mga pampublikong paaralan ay 1:33 sa elementarya, at 1:28 naman sa high school. Ngunit aniya, sa ibang mga paaralan sa Metro Manila ay mas mataas pa ito.
Ayon pa kay Mateo, katuwang ng pagkakaroon ng dagdag na mga guro ay ang pagkakaroon ng karagdagang silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Samantala, welcome kay Act Teacher partylist Representative Antonio Tinio ang pagkakaroon ng mga karagdagang guro. Ngunit aniya, kailangan ring magdagdag ng mga non-teaching staff para naman matulungan ang mga guro na makapag-focus sa kanilang pagtuturo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.