Nagpanggap na pulis arestado sa Quezon City
Arestado ang isang lalaking nagpanggap na pulis matapos nitong mag-holdup sa Barangay Pinyahan, Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Mark Anthony Verbo, 31 taong gulang at residente ng Fairview, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10, nagpakilalang pulis si Verbo sa biktimang si Mark Delos Reyes. Sa una ay nagtanong ito ng direksyon, ngunit nang lumaon ay tinutukan na siya ng suspek ng patalim bago nagdeklara ng holdup.
Sapilitang kinuha ni Verbo ang bag ng biktima na may lamang P18,000 cash at dalawang cellhphone.
Matapos ang insidente ay agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrolyang pulis at natiyempuhan naman si Verbo sa panulukan ng EDSA at East Avenue.
Dito na naaresto ang suspek, bagaman sinubukan pang magpumiglas mula sa mga otoridad.
Sa kasamaang palad ay hindi na nabawi pa ang gamit ng biktima. Ngunit nakumpuska naman mula sa kanya ang ginamit na patalim, bullcap ng Philippine National Police (PNP), at motor na mayroong sticker ng QCPD.
Depensa ng suspek, nasa ospita ang kanyang anak kaya nagawa nitong magnakaw.
Mahaharap sa magkakapatong na kasong robbery, usurpation of authority, at possession of deadly weapon si Verbo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.