P125K halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA Western Visayas sa bus terminal sa Iloilo
Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency 6 (Western Visayas) ang 25 gramo ng pinaghihinalaang shabu sa isang bus terminal sa Barangay Buhang sa lungsod ng Jaro.
Nasamsam ng PDEA – 6 ang ipinagbabawal na droga matapos magsagawa ng inspeksyon sa Ceres bus terminal.
Ayon kay PDEA-6 Regional Director Wardley Getalla, agad na isinagawa ang inspeksyon matapos silang makatanggap ng tip na mayroong shipment ng iligal na droga na paparating sa lungsod sa pamamagitan ng courier service ng Ceres mula sa Metro Manila.
Tinangkang ipuslit ang droga sa pamamagitan ng pagbalot dito na pawang mga lehitimong hair conditioner at moisturizer.
Ayon sa pagtataya ng mga awtoridad, maaaring umabot sa P125,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu.
Pinuri naman ni Getalla ang management ng Ceres sa suporta at kooperasyon nito sa isinagawang operation ng PDEA – 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.