Commander ng MILF arestado sa Maguindanao

By Justinne Punsalang April 08, 2018 - 04:34 AM

Kalaboso ang isang isang komander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang palagiang pananakot sa mga residente ng Barangay Tapian sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Nakilala ang arestadong suspek na si Tato Ibrahim na kilala rin sa tawag na Commander Tato ng Task Force Ittihad ng MILF.

Ayon kay Superintendent James Allan ng Criminal Investigation and Detection Group – Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM), nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pagpapaputok ng baril ni Ibrahim kapag ito ay nagkakaroon ng pagtatalo sa kanyang mga kapitbahay.

Sinasabing sinampal rin nito ang isang kawani ng barangay matapos nitong subukang pigilan si Ibrahim na siyang nag-haharass naman ng sibilyan.

Kaya naman nagtungo ang mga otoridad sa bahay ni Ibrahim upang halughugin ang bahay nito. Dito na nakuha ang isang kalibre 45 baril mula sa suspek na inaresto sa salang paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.