Vatican pinaaresto ang isang monsignor dahil sa child pornography

AP Photo

Inaresto ng Vatican Police ang isang monsignor matapos dahil sa posibleng paglabag ng batas ukol sa child pornography.

Nakilala ang nasabing pari na si Msgr. Carlo Alberto Capella na dating naglingkod bilang diplomat sa United States embassy sa Vatican.

Sa pahayag na inilabas ng Vatican, sinabi na naaresto si Capella sa bisa ng warrant of arrest mula sa chief magistrate ng Holy See.

Walang partikular na sinabi ang Vatican tungkol sa kasong nakasampa laban kay Capella ngunit noong nakaraang taon ay na-recall sa serbisyo si Capella matapos sabihin ng US State Department na posibleng naklabag nito ang child pornography law ng Estados Unidos.

Sakaling matuloy ang demanda kay Capella ay mahaharap ito sa paglilitis sa Vatican.

Matatandaang una nang nagpahayag na si Pope Francis ng kanyang zero tolerance sa mga pang-aabuso ng mga pari ng Simbahang Katolika.

Read more...