Anim ang sugatan matapos na bumagsak ang bahagi ng kisame ng sinehan sa Ayala Center sa Cabu pasado alas otso ng gabi ng Lunes.
Sa report ng Cebu Daily News, aabot sa 350 na katao ang nasa loob ng Cinema 5 nang maganap ang pagbagsak ng kisame.
Mayroon sanang movie screening para sa Dreamscape Networks, na isang business outsourcing company nang biglang tumagas ang tubig mula sa kisame.
Ayon kay Carlo Florentino, empleyado ng nasabing kumpanya, inakala pa nila sa simula na tubig ulan ang tumulong tubig dahilan para palabasin ang mga taong nasa loob. Pero bago pa sila tuluyang makalabas ay tuluyan nang bumagsak ang kisame.
Ang mga nasugatan ay nagtamo ng sugat matapos mabagsakan ng mga tumalsik na debris.
Posibleng galing umano sa sprinkler system ng gusali ang tubig na tumagas./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.