Inilikas ang mga pasyente ng Davao Oriental Provincial Medical Center (DOPMC) sa Dahican, Mati, Davao Oriental matapos masunog ang bahagi nito.
Sa isang pahayag na inilabas ng Provincial Government, sinabi nito na nagsimula ang sunog dakong alas-6 ng gabi ng Biyernes sa isang open space sa ikalawang palapag nito.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero dahilan upang tuluyang maapula ang sunog alas-7 ng umaga ng Sabado.
Ipinagutos na ni Gov. Nelson L. Dayanghirang ang koordinasyon ng mga ahensya at tanggapan ng gobyreno para maisaayos ang sitwasyon.
Wala namang nasugatan sa insidente.
Kasalakuyan pa rin inaalam ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog.
Samantala, sa isang pahayag naman ng DOPMC, sinabi nito na nagbalik na sa normal ang regular na operasyon ng ospital dahil bahagi lamang naman nito ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.