Taga-suporta ni Duterte tinuligsa ang pagpunta ni VP Robredo sa London

By Justinne Punsalang April 08, 2018 - 03:51 AM

Nagtungo ang mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng London School of Economics sa United Kingdom upang magprotesta sa pagpunta doon ni Vice President Leni Robredo.

Makikita sa mga livestream videos ng Uk-Dds Activities na hawak ng mga nagpo-protesta ang mga placard kung saan nakasulat na pekeng bise presidente umano si Robredo.

Ayon naman sa posts ng DDSUK, UK-DDS, at BBM London Chapter, nagsama-sama sila upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya kay Robredo, maging ang kanyang sinasabing pandaraya noong nakaraang national elections.

Samantala, nauna nang ipinahayag ng Office of the Vice President na nasa UK si Robredo upang magkaroon ng talk tungkol sa pag-alpas sa kahirapan at ang gampanin ng pulitika para sa economic growth.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.