Maulang panahon asahan sa Eastern Visayas at Caraga
Asahan na ang pulo-pulong pag-uulan at thunderstorm sa Eastern Visayas at Caraga na dulot ng easterlies o hanging mula sa dagat Pasipiko.
Sa abiso ng PAGASA, pinayuhan nito ang mga residente na maghanda sa mga posibleng pagbaha o landslide sa mga nabanggit na rehiyon dulot ng mahina hanggang sa katamtaman, at paminsan ay malakas na pag-ulan.
Samantala, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Bikol, maging sa mga probinsya ng Aurora at Quezon dahil naman sa northeast monsoon o hanging amihan.
Mararamdaman naman ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil rin sa hanging amihan.
Para naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, asahan na ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-uulan na dala naman ng mga localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.