2 carnapper patay sa barilan sa Bulacan

By Mark Makalalad April 07, 2018 - 03:15 PM

Photo: Mark Makalalad

Dalawang hinihinalang carnapper ang napatay sa engkwentro matapos na tumakas at paputukan ng baril ang ilang tauhan ng PNP- Highway Patrol Group sa kahabaan ng Bypass Road Brgy. Sta Cruz, Santa Maria, Bulacan.

Wala pang pagkakakilanlan ang dalawang suspek na nakipaghabulan hanggang sa tuluyang makorner ng HPG operatives.

Ayon kay PNP-HPG Region 3 Director Police Supt. Sam Belmonte, kahapon pa lamang ay namataan nila na ang mga suspek dahilan para makipagcoordinate na sila sa San Jose Del Monte PNP na mabilis namang naglatag ng isang chekpoint.

Tiyempo naman na kaninang madling araw, dumaan ang mga suspek sa checkpoint ngunit ng sitahin ay nagpaputok ang mga ito at pinaharurot ang kanilang sasakyan.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang Cal. 45 pistola, isang  Cal. 38 revolver at hindi pa batid na na bilang ng mga sachet ng shabu.

TAGS: Bulacan, Carnapper, HPG, san jose del monte bulacan, sta. maria, Bulacan, Carnapper, HPG, san jose del monte bulacan, sta. maria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.