Merger ng Uber at Grab sa bansa hindi muna matutuloy ngayong buwan

Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab at Uber na ipagpatuloy ang kani-kanilang operasyon nang hiwalay habang iniimbestigahan pa ang pagsasama ng dalawang transport network
companies (TNCs).

Ayon kay PCC Chairman Arsenio Balisacan, naniniwala ang komisyon na kaya pa ring ipagpatuloy ng Uber ang operasyon nito sa bansa bagaman iniwan na nito ang negosyo sa kabuuan Southeast Asia.

Aniya, hindi naman tuluyang iniwan ng Uber ang Southeast Asian market, kundi naging part-owner ng Grab.

Dagdag ni Balisacan, posibleng makasama sa publiko ang “virtual monopolization” ng Grab.

Nakatakda sanang itigil ng Uber ang application nito simula bukas, April 8 matapos makuha ng Grab.

Una nang inalmahan ng Grab at Uber ang rekomendasyon ng PCC na ipagpatuloy ang kanilang operasyon gamit ang applications nang
hiwalay.

Read more...