DENR handa sa mga kaso kaugnay sa pagsasara ng Boracay
Handa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa anumang legal na aksyon ng mga business establishment na maaapektuhan ng pagsasara ng Boracay Island.
Sinabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones, inaasahan na nila ang ganitong hakbang lalo na sa ilang mga hotel sa isla na pangunahing tatamaan ng closure na magsisimula sa April 26.
Pero iginiit ni Leones na sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas at kung maghahain ng kaso ang maaapektuhang negosyo ay handa naman nila ito harapin.
Anim na buwan na isasara ang kilalang island resort upang isailalim sa rehabilitasyon.
Tinukoy naman ng DENR ang ilan sa mga establisimentong nakitaan ng paglabag sa environmental law gaya ng Crown Regency, West Cove Hotel at ang D’Mall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.