Mayor Bistek, iniisip pa kung tatakbo muling alkalde o senador sa 2016 elections

herbertPinag-iispan pa ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista kung tatakbo ba siya sa ikatlong termino bilang alkalde ng lungsod na kasalukuyang pinagsisilbihan, o tanggapin ang alok ng Liberal Party (LP) na maging kabilang sa senatorial slate nito sa 2016 elections.

Ayon kay Bautista, binisita siya ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. noong Miyerkules para pag-usapan ang posibilidad ng kaniyang pagkakasama sa mga pangalan ng mga senador na iaanunsyo ng partido sa Biyernes.

Samantala, ilan rin sa mga lokal na opisyal ng Quezon City ang sasabak sa mas mataas na posisyon sa darating ne eleksyon.

Kabilang sa kanila ay si 4th District Councilor Bong Suntay na ang nagpahiwatig na ng kaniyang balak na tumakbo sa Kongreso, pero iginiit na hindi pa naman ito sigurado.

Ang nasabing hakbang ni Suntay ay paniguradong magbubunsod sa pagkakalaban nila ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Gayunman, tiwala si Vice Mayor Joy Belmonte na hindi ito mangyayari dahil si Suntay ay itinuturing na ring parang anak ng kaniyang ama.

Hinihintay rin ni Joy Belmonte ang desisyon ni Bautista sa posibleng pagtakbo nito sa senado dahil kung sakali, siya naman ay tatakbo sa pagka-alkalde sa kanilang lungsod.

Read more...