Pagtatayo ng bagong mall sa Baguio City umani ng batikos mula sa netizens

By Jimmy Tamayo April 07, 2018 - 02:24 PM

Idinaan sa social media ng ilang mga concerned citizens ang pagtutol sa planong pagtatayo ng bagong mall sa kilalang pasyalan sa Baguio city na Burnham Park.

Isang online petition na may titulong “No to Podium Car Park in Baguio’s Burnham Park,” ang ipinakalat at shinare sa Twitter noong April 4 para ipakita ang labis na pagtutol sa nasabing plano.

Agad naman itong sinuportahan ng mga netizens at mula noong Miyerkules (April 4) ay mayroon na itong higit sa 11,000 signatures.

Sa isa namang Facebook page na Baguio City, nagkaroon rin ng panawagan para sa isang community meeting hinggil sa isyu.

May nagpahayag din ng suporta sa pagtatayo ng car park na solusyon aniya sa problema sa pagdagsa ng mga turista sa City of Pines.

Ang Baguio City ay nahaharap sa kaparehong problema ng Boracay gaya ng basura, polusyon at overcrowding lalo na kapag panahon ng bakasyon.

TAGS: baguio city, burnham park, carpark, dent, mall, baguio city, burnham park, carpark, dent, mall

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.