Ginang patay nang barilin ng live-in partner habang dumadalo sa graduation ng anak

By Jimmy Tamayo April 07, 2018 - 11:37 AM

Nabulabog ang isang graduation ceremony sa isang elementary school sa bayan ng Barili, Cebu.

Kasunod ito ng pamamaril ng isang lalaki sa kanyang kinakasama kahapon habang dumadalo sa graduation ng kanilang anak sa Balao Elementary School bandang alas-3:00 ng hapon.

Patay ang biktima na nakilalang si Lucita Rebuyas, 35- anyos makaraang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Nakilala naman ang suspek na si Syrin Anotado, 30-anyos at residente ng Barangay Balao.

Ayon sa ulat, pumasok si Anotado sa gym ng paaralan na lasing at armado ng .38 caliber revolver at lumapit sa kanyang common-law-wife at pinagbabaril ng malapitan.

Kusa namang sumuko sa otoridad ang suspek.

Lumalabas na selos ang motibo sa krimen bagaman matagal na umanong hiwalay ang dalawa.

TAGS: barili, cebu, Graduation, gun shooting, live in partner, barili, cebu, Graduation, gun shooting, live in partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.