P290 Million inilaan sa pagsasa-ayos ng sewerage system sa Siargao Island
Umaabot sa P290 Million ang inilaan na pondo para sa pagsasa-ayos ng sewerage and waste management system sa kabuuan ng Siargao Island.
Sa inilabas na pahayag ng Pamahalaang Lokal ng General Luna na siyang nakakasakop sa nasabing isla, isasabay na rin sa proyekto ang pagbili ng dagdag na mga trak ng basura.
Kasunod ito ng pagpapatayo ng isang waste-to-energy facility ng isang Korean firm sa isla.
Ito umano ang kanilang tugon sa kampanya ng pamahalaan na ayusin at linisin ang mga tourist spots sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni Surigao Del Norte Gov. Sol Matugas na naglagay na rin sila ng mga dagdag na miyembro ng rescue team sa Siargao Island dahil sa pagdagsa ng mga turista kasabay ng summer vacation.
Ang isla ng Siargao ay kilala bilang surfing capital sa rehiyon ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.