Sibakan sa gabinete magpapatuloy ayon kay Duterte

Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na dismayado siya sa patuloy na katiwalian sa gobyerno.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na ilan pang opisyal ang kanyang sisibakin at hindi siya magsasawa hanggang sa maubos ang mga ito.

Hindi nagbigay ng detalye si Duterte pero iginiit nitong nakakadismaya na ang “corruption activities” na nangyayari bawat araw.

Dagdag pa niya na hindi naman perpekto ang kanyang administrasyon.

Aniya, hindi niya maikukumpara ang kasalukuyang gobyerno sa termino ni dating Pangulong Arroyo at ayaw naman niyang ikumpara sa administrasyon ni dating Pangulong Aquino.

Gayunman, tiniyak niyang lilinisin niya ang pamahalaan gaya ng kanyang naipangako noong panahon ng kampanya.

Read more...