Mga kurap tauhan ng DPWH sa Nueva Vizcaya sasampalin ni Duterte
Sinibak na sa kanilang pwesto ang anim na deputized personnel ng Department of Public Works and Highways nan aka-assigned sa weighing bridge sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya.
Sinabi ni Land Transporation Office Region 2 Adminitrative Officer Manuel Baricua na kaagad nilang inalis sa pwesto ang mga deputized personnel makaraang maiparating sa kanila ng Malacañang ang reklamo ng ilang mga rice traders na nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na kanila ring kinumpiska ang Temporary Operator’s Permit ng nasabing weighing bridge pati na ang deputation I.Ds ang mga sinibak na tauhan ng DPWH.
Iniimbestigahan na rin umano ang ilang mga tauhan ng LTO na posibleng kasabwat ng mga ito sa kanilang iligal na gawain.
Nauna dito ay personal na ipinarating ng mga rice traders kay Pangulong Duterte ang pangongotong ng mga sinibak na tauha ng DPWH.
Umaabot umano sa P1,000 kada trak ang kanilang kita sa kanilang iligal na gawain.
Makaraang maiparating sa kanya ang reklamo, ay kaagad na tinawagan ni Duterte si Transportation Sec. Art Tugade para alisin at kasuhan ang nasabing mga deputized personnel ng DPWH.
Gusto rin umanong makaharap ng pangulo ang mga ito para sampalin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.