Dalawa ang tinitingnang dahilan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP) sa pinagmulan ng sunog na nagsimula ng 10:08 ng gabi at umabot sa ikaapat na alarma.
Ayon sa QC-BFP maaaring sinadya o naiwang kandila ang dahilan nito.
Ayon kay QC-BFP Insp. Rosendo Cabillan, nagmula ang sunog sa bahay ni Eton Tiozon, pero bago.mangyari ang sunog nagkaroon pa umano ng pag-aaway si Tiozon at ang kanyang asawa.
Ayon naman kay Kag. Obet Dela Cruz, ang Brgy. Sauyo Fire Marshall, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na sinadya umano ang sunog dahil matapos ang pag-aaway ng mag-asawa ay lumayas ang misis nito.
Sinabi naman ni Insp Cabillan, Posible umanong makasuhan ng arson si Tionzon kung may magpapatunay na sinadya nito ang sunog.
Sa pagtataya ng BFP aabutin ng isang milyong piso ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy habang 1:19 na ng madaling araw nang idineklarang itong fire-out.
Wala namang naitalang nasawi pero aabot naman sa anim ang bahagyang nasugatan.