NFA Council, hindi bubuwagin ng Malacañang – Roque
Hindi bubuwagin ng Malacanang ang National Food Authority (NFA) Council.
Ito ang paglilinaw na ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, taliwas sa mga naunang report na ito’y i-aabolish ng Pangulo.
Ayon kay Roque, ililipat lamang ang NFA at NFA Council sa ilalim ng pamunuan ng Office of the President.
Matatandaang noong Huwebes, nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rice traders kaugnay ng kakulangan ng supply ng bigas sa bansa.
Ang NFA Council na isang interagency body ay kasalukuyang pinamumunuan ni Secretary to the Cabinet Leoncio ‘Jun’ Evasco.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.